Say whut? Linya-Linya? Blog? Ano ‘to, kalokohan?
Hahaha, I know, write?
Magsimulang Magsimula.
Matagal na rin naming iniisip magbukas ng blog. Pero di maitawid-tawid, kasi laging may humaharang na baka.
Baka baduy. Baka hassle. Baka di mapanindigan.
Pero naisip din namin: Baka naman hindi. Baka naman okay. Baka naman kailangan lang simulan.
Kaya eto, balik kami sa sinusunod na pilosopiya ng Linya-Linya: Magsimulang magsimula. Wala nang maraming salita; diretso na sa gawa!
#AbangAbangLang
Kaya para sa mga naghahanap ng sagot sa mga problema sa pag-ibig, ng kaliwanagan sa kalabuan ng mundo, at ng kabuluhan sa kanilang buhay— nasa maling blog kayo.
Ang Linya-Linya blog ay para sa mga araw-araw nakasubsob ang mukha sa computer o cellphone, sa mga sawi at laging binobola (at nagpapabola), sa mga kailangan lang ng makakaintindi sa pinagdadaanan nila— sa inyong lahat, #AbangAbangLang, dahil… BLAGADAG! Nandito na ang Linya-Linya Blog!
1 comment
Astig po ng naisip nyo… keep it up pa po. :D