Ilang beses nga ba tayong sinalba ng konting tawa at saya nitong napakalupit na 2016? Gulo sa paligid at buong mundo; mga nagdaang kalamidad at bagyo; sunod-sunod na mga pumanaw na mga minamahal at tinitingalang mga tao; hindi pa rin nagiging “tayo.” :(
Sa kabila ng patong-patong na problema, nakatindig pa rin tayo sa pagtatapos ng 2016, at pagpasok ng 2017. Marami pa nga ring blessings na di dapat kalimutan; maraming tao na dapat pagpasalamatan; maraming bagay na nagdudulot ng tawa at kasiyahan. :)
Iyan na nga lang din siguro ang nagpapalakas sa loob ng Linya-Linya na magtuloy-tuloy lang sa paglikha— na kahit papaano, sa lupit at hirap ng araw-araw na buhay, may mapaghuhugutan pa rin ng kaunting kiliti at tawa, at maalala natin, kahit sasaglit, ang sigla at halaga ng buhay. :) Ang pagbibigay-ngiti sa kapwa: Sa iba siguro, maliit, pero sa amin, napakalaking bagay. :)
Ang gusto lang naman naming sabihin: Maraming salamat. Salamat sa pakikiramay sa lahat ng pagod at stress; sa pakikisama sa kilig at pagkasawi sa love life; sa pakikiisa sa pagpayat at pagtaba; sa ngiti, ngiwi, hagulgol at halakhak. :)
Nalampasan na natin ang 2016. Lalo pa tayong titibay at lalo pa tayong tatawa ngayong 2017. Happy new year mula sa Linya-Linya! TO WITTY SEVENTEEN! :)
Sa tulong ninyo, sana makapagbukas pa tayo ng mas maraming Linya-Linya Stores ngayong taon. Sa ngayon, bisita na muna sa ating existing stores! Kitakits! :)
• UP Town Center • Market! Market! • Megamall A • Fifth Rack Parañaque • Glorietta 1 • Gateway • TriNoMa • Robinsons Galleria • www.linyalinya.ph •