Daanan Mo Lang, 'Wag Mong Tambayan!

Daanan Mo Lang, 'Wag Mong Tambayan!

 

“Gusto ko talagang mag-pursue ng career sa medical field, kaya Physical Therapy yung kinuha kong course nung college, ten years ago. 5-year course ang PT, pero ‘di ko siya natapos. I had to stop because of financial problems, at ‘di ko na-meet yung quota grade. Biggest setback ko siya so far, kasi pakiramdam ko ang stupid ko. Natatakot ako na baka ‘di ako makatulong sa parents ko gamit yung natutuhan ko sa college. Parehong nagtatrabaho sa isang appliance store sa Quiapo yung parents ko. So, ayun, naisip ko na walang mangyayari kung hahayaan ko lang yung sarili ko sa pithole na ‘to. Nag-apply-apply ako. Iba-iba ang naging trabaho ko bago ako naging part ng sales staff sa Linya-Linya.

Masaya ako dahil 'di lang shirts ang binebenta namin, bumebenta rin ang jokes namin at nakakapagpasaya kami ng tao. ‘Di rin biro yung trabaho ko rito. Palipat-lipat ako noon ng branch, uncertain kung ano yung mangyayari sa’kin sa future. Ngayon, dahil siguro kinayod ko nang husto, promoted na ako as Area Supervisor, at may 70+ na Linya-Linya shirts na ako -- though ‘di ko pa nasusuot lahat. Hahaha. I’m happy and grateful for what I have right now. As long as nakikita kong masaya yung friends and family ko, masaya rin ako. Tuloy lang kung ano ‘mang ibigay ng buhay. Kung may problema, harapin. Sabi nga sa isang shirt ng Linya-Linya: Daanan mo lang; ‘wag mong tambayan. ‘Di man ako nakapag-nursing o medicine, nauwi naman ako sa pagpapagaan ng pakiramdam at pagpapasaya ng tao. Totoo nga siguro: "Laughter is the best medicine."

- Bernadette Manlapaz, Linya-Linya Area Supervisor

 

 

Shirt Stories is our new monthly content, as we share the stories of the people surrounding Linya-Linya. This is our way of giving thanks and switching the limelight to them. Got a story to share? Just send us your entry through our email: linyalinyaph@gmail.com— with the email subject: “SHIRT STORIES.” 

Back to blog

Leave a comment

Please note, comments need to be approved before they are published.