You can read ‘Heartist’ in two ways: Pwedeng ‘artists with heart.’ At the same time, kahit hindi ka artist, “Heartist” ka kung ginagawa at ibinabahagi mo sa iba ang work o passion mo nang buong puso. Anuman ang pinagdadaanan mo, Heartist ka kung lumalaban ka nang buong lakas at buong puso.
Bilang pasasalamat ng Linya-Linya sa lahat ng pagmamahal at suporta, nais nilang ibahagi ang kanilang blessings sa pamamagitan ng isang fund-raising event na pinamagatang HEARTIST: A music, art, and comedy gig for the benefit of Kythe Foundation. Tampok dito ang artists mula sa iba’t ibang “Linya,” tulad ng performance art, poetry, spoken word, standup comedy, at music.
Ang Kythe Foundation ay isang non-profit, non-stock organization na layong pagbutihin ang kaledad ng buhay ng mga kabataang may cancer at iba pang chronic ilness.
Naglabas na kami ng limited edition “Heartist” shirts sa www.linyalinya.ph. Kada isang shirt na bibilhin, magiging libreng ticket na sa event na ito (just present the receipt at the venue). Magiging available din ang shirts sa mismong araw ng event.
Earnings from the shirts sold will be given directly to Kythe Foundation. The event will be at Cup Fiction, Katipunan Extension, Quezon City on February 25, 2017 at 6:00PM.
Performers in support of the cause include visual artist Victor Covarrubias; poets Gian Lao, Joel Toledo, Yol Jamendang, Rafael San Diego and Mikael de Lara Co; standup comics James Caraan; spoken word artist Syke; musician Johnoy Danao; bands Cheats, She’s Only Sixteen, and Autotelic.
Para sa isang masaya, ma-sining, at makabuluhang gabi, samahan ninyo kami sa kauna-unahang Linya-Linya Night—ang HEARTIST! Habang available pa, kuha na ng tickets www.linyalinya.ph. Kita-kits sa Cup Fiction, Katipunan, 6PM, this Feb. 25, 2016!