Wala pa nung libro. Wala pang radyo. Mas lalong wala pang TV at computer. Sa panahong “word of mouth” pa lang ang paraan ng pagtuturo sa mga batang Pilipino, nauso ang mga salawikain— mga pinagpasa-pasahang kasabihang naging gabay at batayan ng mga Pilipino noon sa mga paniniwala nila. Para madaling tandaan, madalas, may sukat at tugma ang mga linyang ito. Dito galing ang tradisyon ng salawikain.
Ngayong Buwan ng Wika, hinihimok ng Linya-Linya angkasalukuyang henerasyong mag-throwback sa ilang mga salawikain, gayundin ang magbigay-inspirasyon at aral sa mga kabataan ngayon.
Pagkatapos ng Agosto, o ng Buwan ng Wika, hindi ibig sabihing kailangan nang itigil ang paggamit, pagpapahalaga, at pagpapayabong ng Wikang Filipino. Araw-araw, Pilipino ka; kaya araw-araw, kailangan ding mahalin ang sariling wika. Sana, kahit papaano, naging inspirasyon ang blog o newsletter na ito para lalo mo pang pahalagahan ang Wikang Filipino.